Friday, October 14, 2011

Kapet-Kapet


KAPET-KAPET

(Side Dish)

Ingredients

  • ½ salop malagkit nagiling
  • ½ puting asukal
  • 3 pieces nakayod niyog
  • 10 dahon ng pandan

Procedure

  1. Ipakulo ang nakayod na niyog. Haluin ito hanggang maging malagkit.
  2. Pakuluan ang pandan leaves.
  3. Paghaluin ang malagkit at puting asukal. Gamitin ang tubig na pinagkuluan ng pandan leaves upang ihalo sa malagkat at puting asukal. Haluing mabuti hanggang lumapot.
  4. Ibalot ang plastic wrapper sa ibabaw nito. Gamitin ang langis ng latik, ilagay ito sa ibabaw ng plastic at ikalat upang hindi kumapit ang ilalagay na malagkit.
  5. Pagkatapos lagyan ng oil, lagyan ang bandehado ng hinalong malagkit.
  6. I-steam sa malaking kawali.
  7. Pag naluto na ang malagkit, hanguin ito at palamigin.
  8. Lagyan ng latik ang ibabaw nito at irolyo ang malagkit (huwag isali ang plastic).
  9. Hiwain ang nakarolyong malagkit.
  10. Puwede nang i-serve.

No comments:

Post a Comment